Minsan, hindi tayo naloloko dahil kulang tayo sa talino. Naloloko tayo dahil sinsadyang takpan ang mga maling argumento.
Ang FALLACY ay maling paraan ng pangangatwiran. Mukha siyang tama sa unang basa, lalo na kapag magaling magsalita ang nagbitaw. Pero kapag sinuri mo nang mahinahon, makikita mong may butas ang lohika.
Kaya mahalagang matuto tayong kumilala ng fallacies - sa pulitika, relihiyon, social media, balita, comment section, at kahit sa araw-araw na usapan.
Sa panahon ngayon, hindi sapat ang maraming alam. Mas mahalaga ang marunong magsuri.
Simplehan natin.











